Ikaw ay Ako sa Kanya

Ikaw ay ako sa kanya.
Siya ay ako sa iyo.
Kung mayroon mang dapat aminin,
Yun ay di ko alam ang gagawin.

Siya sa akin ay siya sa iyo.
Siya sa iyo ay siya sa akin.
Laging nagbabaka-sakali,
Pabalik balik, parang kalye.

Ikaw ay ikaw,
At ako ay ako.
Noon ay may kami,
Mayroong kayo.
Nagkaroon ng tayo.
At kayo. At kami.

Wala na tayo.
Wala nang tayo.
Sino ba naman ako?

Siya ay hindi ako.
Siya ay hindi ikaw.
Titigilan ko na ito,
Tutal, nauna ka namang bumitaw.

Advertisements