Bahala Na

Sapat nang nailuha ko na ang lahat:
Ang biglaang pagkawala,
Ang sapilitang pamamaalam,
Ang pagkabigo.

Sapat nang nailabas ko na ang lahat:
Ang pag-ayaw,
Ang di pagpayag,
Ang paglaban.

Sapat nang nasabi ko na ang lahat:
Ang aking damdamin,
Ang pag-iwan,
Ang paniniwala.

Sapat nang naibigay ko na ang lahat:
Ang tiwala,
Ang pagmamahal,
Ang mga tula’t awit na walang kinahatnan.

Sapat nang sasabihin ko ito, sa huling pagkakataon:
Na may maiiwan pa rin sa akin na aasa,
Na may maiiwan pa rin sa akin na maghihintay,
Na may maiiwan pa rin sa akin na nasasaktan.

Sapat nang bibitaw ako:
Iiwanan ang mga nalalabing pangarap,
Iiwanan ang bahagi ng aking sarili,
At hayaan ang agos na tangayin ako–
Pabalik man sa’yo o hindi.
Sapat na ang mga ito,
Bahala na.

Advertisements

4 thoughts on “Bahala Na

    • Andy says:

      if there is at least one beautiful thing i could make from a very sad thing, i could be happy at least to a certain degree. thank you 🙂

Would love to hear your thoughts! :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s